Wednesday, May 17, 2006

huling tula

naiinis ako sa boyfriend ko dahil parati shang late sa usapan namin.
kahit anong araw, may pasok man o wala, parati shang late.

nakakainis dahil nasasayang ang oras ko at oras ng ibang tao.
may relo naman sha, advanced pa nga, pero late pa rin sha.

parati nalang akong naiiwan sa isang lugar na nakatunganga.
minsan wala akong ginagawa nakatunganga lang talaga.
minsan, nagbubura nalang ako ng text messages at nililinis ang cellphone ko.

madalas, nauubos ang pera ko sa kakaantay.
tulad noong minsan, may internet naman sa office pero nag rent pa ako sa labas.
sarado na ata ang office wala pa siya.

parati shang nagpapahintay pero sha naman itong parating huli.
minsan, nagsisinungaling pa sya sa kanyang kinaroroonan.
tulad ng train station na huling nalampasan niya.

napaka bato talaga at hindi na nagbago.
naiinip na ko maghintay.
mahirap ba maging maaga at maghanda ng maaga?
lahat ng tao may mga gagawin at paglalaanan ng oras.
kaya sana lahat ng tao may respeto sa oras ng iba.

1 comments:

kingina said...

Para wag ka maasar, kumain ka na muna sa 1630 Cafe, sa 1630 LM Guerrero ST, Malate, Manila. Makakalimutan mo lahat ng pagkainis mo dahil sa SARAP ng pagkain dun! Anyway, AKO NAMAN ANG BATIIN mo sa BLOG!